Patricia Aleckzandra | YoManila

Ang masawi sa pag-ibig ay (obviously) masakit. Lahat tayo ay nakaranas na nang minsan ay naloko at pinaniwala sa mga pangako na siya din ang pumako. Sino ba ang hindi pa pinaglalaruan ng tadhana dito? (Edi ikaw na!) O kaya hindi nararanasan na paniwalanin na siya na ang asukal sa ibabaw ng ensaymada niya (local version ng cupcake ni Kim Chui). At some point of our lives, mapagdadaanan natin ang pagiging sawi. Kung napagdaan mo na ang sawi moments mo at naka-move on kana, CONGRATS! Isa kang ganap na strong, independent and happy person.

Pero kung hindi ka pa nakaka-move on, sige mag-move on ka lang. Walang deadline ang pagmu-move on. Pero huwag masyadong matagal ha? Kung kailangan mo ng maging busy para makalimutan siya, maging busy ka. Magbakasyon ka – nagmahal, nasawi, nagbakasyon. O kaya ay magbasa ng libro. Isa sa mga makakatulong sayo sa pagmu-move on ay ang bagong libro ng HugotKing ng social media, Marcelo Santos III, at ang MatabangUtak ng Tumblr, Rhadson Mendoza, na The Iwas Sawi Project. Available na ito sa National Bookstores nationwide. Smile ka na. You deserve to be happy.

Bought the book at the book signing! Hi Marcelo!
Bought the book at the book signing! Hi Marcelo!

AT SAYO NA HINDI PA NAKAKARANAS MASAWI *slow clap*, (kasalukuyan kong pinipigilan na i-type ang mga salitang “Masasawi ka din!” pero naisip kong ‘wag na lang para good vibes), may mga dahilan kung bakit madaming tao ang naiiwang luhaan sa sulok at naiiwan sa mga what ifs at should haves. Sa totoong buhay, madaming bagay ang pwedeng maging dahilan ng pagkasawi mo. The list below is just some of it.

  • Yung “ego” mo. One of the reasons why some ended up sawi is because they value their ego more than the person. Hindi mo makakain ang ego friend. Hindi mo makakasama sa pagtawa sa korni mong jokes. Hindi ka niya yayakapin pagnilalamig ka, o dadalhan ng kape once nag-crave ka. Hindi ka niya ite-text ng “Mag-iingat ka ha?”, o mag-i-imagine ng future kasama ka. Hindi nito mapapag-stay ang taong mahal mo. So habang maaga pa (at para hindi ka na din magsisi sa huli), i-let go mo ang ego mo kung ayaw mong i-let go ka ng taong mahal mo. Huwag mong hayaan na isang araw, gigising ka na lang sa wala na siya kasi napagod na siyang kakasuyo sa pride mo. Tapos mag-e-emote ka sa isang sulok habang paulit-ulit na pinapatugtog ang Stay ni Daryl Ong. Huwag ganun bes.
  • Nagmahal ka ng hindi straight! Sa panahon ngayon, madami nang gwapo ang gwapo din ang hanap. Sila ‘yung mga Machete ang datingan o kaya Oppa-material pero pusong sirena. Madalas, ang mga nahuhulog at nafe-friendzoned nila ay mga taong malapit sa kanila. Gaya mo, malapit ka sa kanya. Siya kasi ang nakagawian mong makasama; ang hinihila mo sa tuwing may pupuntahan ka; ang kasama mo sa bawat house party at group activities mo. Ikaw naman ang kasama niya nung broken siya. Ikaw ang naglinis ng suka niya nung lasing na lasing siya. Siguro naman may idea ka na hindi babae ang gusto niya. But because you care for him too much, you took the risk to love him hoping that someday he’ll love you back. Madalas malabong mangyari ito. Kaya next time na magmamahal ka, tandaan mo ang payo ng lola ko, “Be careful! Madalas, ruler na lang ngayon ang straight.”
  • I love you bes ka kasi. Bes. Besh. Best. Kahit ano pang spelling ang ita-type niya at mababasa mo sa inbox mo, isa lang ang sure: KAIBIGAN KA LANG NIYA. Sweet siya sayo, pati sa 1,250+ niyang kaibigan. Maalaga siya sayo, pati sa mga pets niya. Sinabihan ka niya ng “I miss you bes” gaya ng pagsasabi niya ng “I miss you kuya” sa nakakatanda niyang kapatid. Sinabi ba niyang mahal ka niya? HINDI. Kaya no choice ka kundi masawi kasi kaibigan lang talaga ang turing niya sayo. Period. Alam ko, umasa ka kahit paano kasi iba talaga ang pakikitungo niya pero sorry. Kaibigan ka lang eh *insert Kaibigan Lang Pala by Eurika*
  • Wala ka kasing ginagawa. TAMAD! Inasa mo masyado sa tadhana ang relasyon niyo. Nagtiwala ka masyado sa tinatawag nilang DESTINY at masyado kang naging chill na hindi mo iniisip na baka kailangan mo na din ng mag-effort. Bakit kailangan mong iasa sa isang hindi nakikitang bagay ang relasyon niyong dalawa? Bakit mabilis mong tinanggap sa puso mo na hindi kayo destinied sa isa’t isa? Kapag mahal mo, gumawa ka ng paraan para magtagal kayo. Kumilos ka. Huwag mong iasa sa iba ang kapalaran niyo. Oo, romantic isipin na destiny o fate and nagdala sa inyong dalawa. Pero ang pangit pakinggan na destiny at fate din ang nagpahiwalay sa inyo. Grow up! Relationship works when two people are mature enough to work together. Ayan! Bold na para dama mo.
  • “Hindi na kita mahal.” Sa lahat ng pwedeng maging dahilan ng paghihiwalay niyo, ito ang pinakamasaklap. Oo, hindi masakit kundi masaklap. To find out that the one you love does not love you anymore. “Hindi na kita mahal” at “May mahal na siyang iba” ay magkatumbas lang ang sakit na dala pagnarinig mo. trust me, I know how it feels. Una, magsasawalang bahala ka kasi baka maiisip mo na baka nabigla lang siya. Tapos unti-unting magsi-sink in sayo ang mga sinabi niya. Natural na masaktan ka. Maaari nga na magmukmok ka sa isang tabi habang pinipilit maging #strong. Hanggang sa matagpuan mo ang sarili mo isang gabi at nakatingin sa kawalan. Walking back memory lane habang iniisip kung saan ka nagkamali? Saan ka nagkulang? Bakit humantong sa ganto? Sa mga pagkakataong ito, madalas ang nagagawa na lang natin ay magmove-on. Accept the fact that he does not love you. Okay lang umiyak, nakakagaan ng loob ‘yun. Pero once you stop crying, make sure you won’t cry for the same reason again. Okay na bes?

Follow my other articles/blogs at Vigorbuddy, BravoFilipino,  FoodFinds Asia, and Gogagah.